Skip to main content

Mga kuwento tungkol sa COVID-19: Sinusubukan ng 72 taong gulang mahalagang manggagawa manatiling malusog habang nag-aalaga ng iba

By and June 4, 2020February 11th, 2022Health, Labor

“Parati akong naka-maskara sa trabaho. Tinatanggal ko lang ito kapag natutulog ako.”

Lilia AntazoLilia Antazo para sa Borderless Magazine
Sa itaas: Lilia Antazo sa labas ng bahay ng pasyente niya sa North Side June 1, 2020 sa Chicago, Ill.
By and June 4, 2020February 11th, 2022Health, Labor

“Parati akong naka-maskara sa trabaho. Tinatanggal ko lang ito kapag natutulog ako.”

Want to receive stories like this in your inbox every week?

Sign up for our free newsletter.

Bago ang COVID-19 pandemya, parating nagtatrabaho si Lilia Antazo. Lumipat sa Estados Unidos ang 72 taong gulang Pilipinang dayuhan kasama ang kanyang asawa at pinaka batang anak noong 2001. Simula noon, nagtatrabaho siya bilang isang pribadong tagapag-alaga.

Nagluluto ng pagkain, naglilinis ng bahay at namimili siya para sa mga pasyente niya. Binibigyan niya sila ng gamot at inaalagaan niya sila na parang sarili niyang nanay, ayon kay Antazo. Pero nagbago ang lahat dahil sa coronavirus. 

Kinuwento ni Antazo sa Borderless Magazine ang buhay niya sa gitna ng COVID-19 pandemya.

Read in English

Lilia Antazo, isang Pilipina, ay nagtatrabaho bilang tagapag-alaga nang halos 20 taon. Nasa harap siya ng bahay niya sa Norwood Park noong Mayo 27, 2020 sa Chicago, Ill. Dati, pinatira niya ang alaga niya sa bahay niya dahil hindi na niya mabayaran ang kaniyang renta.Pat Nabong para sa Borderless Magazine.

Lagi akong nakamaskara sa trabaho. Tinatanggal ko lang ito tuwing natutulog ako.

Nakakabagot sa trabaho. Nakakabagot at nakakatakot. Nakakatakot dahil kapag sumasakay ako ng bus o tren papunta sa trabaho, iniisip ko, “Paano kung magkasakit ako?” Sobrang takot ako dahil may hika ako. Maingat talaga ako sa lahat.

Read More of Our Coverage

Sumasakay ng tren at bus si Lilia Antazo papunta sa bahay ng pasyente niya sa North Side Mayo 30, 2020 sa Chicago, Ill.Lilia Antazo para sa Borderless Magazine

Ngayon, bakante ang iskedyul ko. Dati-rati, dalawa ang pasyente ko pero dahil sa COVID-19 tinatanggihan ko na ang trabaho. Marami pa rin nag-aalok ng trabaho pero umaayaw na ako. Natatakot akong bumiyahe at makihalubilo sa mga tao.

Isang pasyente lang sa North Side ang inaalagaan ko tuwing Sabado at Linggo.

Winiwisikan ni Lilia Antazo ng Lysol ang sapatos niya Mayo 30, 2020 sa Chicago, Ill. Winiwisikan ni Antazo ang sapatos niya tuwing pumapasok siya sa bahay ng pasyente niya. “Marami akong Lysol. Pag may ibang dumating winiwisikan ko rin ang sapatos nila,” sinabi niya. Dinadala ni Antazo ang Lysol mula sa bahay niya at nilalagay niya sa bag niya.Lilia Antazo para sa Borderless Magazine.

Medyo mas bata sa akin yung pasyente ko. Matigas ang ulo niya. Kalmado lang ako. Nagumpisa akong magtrabaho doon nung Agosto pagkalabas niya ng ospital. Naglilinis ako ng kusina at banyo niya, nagbabakyum, nagpapaspas, at nagdidilig ang halaman niya.

Pagdating ko sa bahay niya, pinapainom ko siya ng gamot, naghahanda ng almusal, naghuhugas ng plato, nagpapalit ng bedding at naglilinis. Inaayos ko ang buhok niya pagkatapos niya maligo. Lalabas ako at bibili ng mga kailangan niya, katulad ng gamot at pagkain. Minsan nag-oorder kami ng pagkain at minsan nagluluto ako. Wala akong reklamo, okay siya.

Hinahain ni Lilia Antazo ang almusal para sa pasyente niya Mayo 30, 2020 sa Chicago, Ill.Lilia Antazo para sa Borderless Magazine.

Gusto ng pamilya ko tumigil ako sa pagtatrabaho. Pero kailangan maintindihan nila na hindi ko kailangan tumigil.

Kaya ko alagaan ang mga gumaling na sa coronavirus. Bakit hindi? Kaya kong protektahan ang sarili ko. Nars yung anak ko at nagkaroon siya ng COVID-19.

Ipinagluto ko siya, tinupi ang damit niya, lahat. May sarili siyang banyo at hindi namin hinawakan ang pinto niya. Nag-alala ako pero palaban siya.

Sinabi niya sa akin, “Mabuti kung alagaan ako ng pamilya ko dahil wala akong tiwala sa ibang tao.” Kaya inalagaan ko siya, at ngayon okay na siya.

Hinihiwa ni Lilia Antazo ang cake na mangga para sa pasyente niya Mayo 30, 2020 sa Chicago, Ill. Dati siyang panaderya sa Pilipinas. “Nangako ako na gagawan ko siya ng black forest cake sa birthday niya,” sinabi ni Antazo.Lilia Antazo para sa Borderless Magazine.

Importante ngayon ang lahat ng frontline na manggagawa. Gusto ko makatulong sa mga nangangailangan.

Sa lahat ng mga tagapag-alaga, sana hindi lang kayo nagtatrabaho para sa pera. Pagbutihin ninyo ang trabaho ninyo. Pagbutihin ninyo ang trabaho ninyo at maging maalalahanin at tapat. Sana maging mapayapa na ang lahat at matapos ang pandemya.

Marami akong pamangkin na nag-alok na mag-alaga sa akin kapag tumanda ako dahil ako ang nagpa-aral sa kanila. Sa tingin ko, lima silang nagtapos at nagtatrabaho na. Nars yung isa. Yung isa, manager, at yung isa may sariling negosyo.

Tinatawag ko silang mga iskolar ko. Nasa Pilipinas sila. Kapag tumanda ako, uuwi ako sa Pilipinas. Pero sabi ng anak ko dito sa Amerika, dapat manatili ako dito at aalagaan niya ako.

Inaayos ni Lilia Antazo ang sopa bago siya matulog Mayo 30, 2020 sa Chicago, Ill. Isa lang ang kuwarto ng pasyente niya. “Mag-isa siya sa bahay. Wala siyang kamag-anak,” sinabi ni Antazo.Lilia Antazo para sa Borderless Magazine

Ganon din ang sinasabi ng anak ko sa Pilipinas. Yung anak kong pastor, aalagaan din daw ako. Wala akong problema kapag tumanda ako.

Tuloy pa rin ang trabaho hangga’t malakas ako. Kaya ko pa tumakbo. Kaya ko pa gumalaw. Kaya ko pa magtanim ng bulaklak sa hardin ko. Kaya ko pa gawin ang lahat. Salamat sa Diyos dahil binigyan niya ako ng malusog na katawan. Wala na akong hinihiling. Hindi ko hangad ang pera. Kalusugan lang.

 

Kinuwento ni Lilia Antazo ito kay Pat Nabong. Tumulong sa pag-uulat si Michelle Kanaar.

I am text block. Click edit button to change this text. Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Ut elit tellus, luctus nec ullamcorper mattis, pulvinar dapibus leo.

Want to receive stories like this in your inbox every week?

Sign up for our free newsletter.

I am text block. Click edit button to change this text. Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Ut elit tellus, luctus nec ullamcorper mattis, pulvinar dapibus leo.

I am text block. Click edit button to change this text. Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Ut elit tellus, luctus nec ullamcorper mattis, pulvinar dapibus leo.

I am text block. Click edit button to change this text. Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Ut elit tellus, luctus nec ullamcorper mattis, pulvinar dapibus leo.

I am text block. Click edit button to change this text. Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Ut elit tellus, luctus nec ullamcorper mattis, pulvinar dapibus leo.

I am blockquote. Click edit button to change this text. Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Ut elit tellus, luctus nec ullamcorper mattis, pulvinar dapibus leo.

I am text block. Click edit button to change this text. Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Ut elit tellus, luctus nec ullamcorper mattis, pulvinar dapibus leo.

Total
0
Share